Wednesday, 20 April 2016

Lahat ng nagagawa mo may dahilan -_-

Kung wala kang nagawang tama ngayong araw, ayos lang. atleast meron kang nagawa kahit mali. Masarap mag-ipon ng mali kapag marami kang naipon magiging magaling kang taga payo sa mga tulad mo na talunan, kapag nangyari yon magiging makabuluhan na ang iyong buhay, dahil nakatulong ka :)
~ Dun mag uumpisa ang pag gawa mo ng tama <3

Wag magmadali.

Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo,lima,sampung taon ang hinaharap, mag iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses nya si Justin Bieber o Magaling Sumayaw, totoong mas importante ang kalooban ng tao higit ano man. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan at sa eskewelahan e nagmumuka ring pandisal, maniwala ka.

ASA KA NAMAN!


Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa,
Eh may gusto sayo?


                Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa -_-''

Wag pakain sa sistema dre!

Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag apply ng dugo sa katawan mo. Ngayon kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang iyong hypothalamus mo na kumokontrol ng emosyon mo, Mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob!
Wag mong isisi sa body organs mo ang lahat ng sama ng loob sa buhay mo! Tandaan mo magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi puso,utak,atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo kundi IKAW MISMO!

~ Jzl

Hugok 2k16 :(

Sabi mo andyan ka lang..
Pero bakit wala ka?
Sabi mo hindi mo ako iiwan.
Pero asan ka? sabi mo mahal mo ako.
Pero bakit di ko maramdaman?
Yun pala sinabi mo lang yon para di ako masaktan :( </3

Hayss T_______T

HUGOT 2k16

Kapag ang asukal ay nabasa, nalulusaw at maaring mawala ang tamis..
Parang Tao, kahit gaano pa sya ka-sweet sayo kapag pinaluha mo nagbabago.

Batang 90's II

Ito ang pantasya ng bawat kabataan dati. Magkaroon ng “Magic Pencil”. Ganda kasi ng Lapis na to. Kapag naputol. Huhugutin mo lang at ilalagay uli sa dulo ang naputol na “Lead” para matulis ulit. 12 Pesos ang halaga nito dati sa School Supplies. May mga sampung piso din depende sa Design. May mga Hello Kitty, mga Power Rangers at marami pang iba.

Talagang pagandahan pa dati ng Magic Pencil. Yabangan ang uso dati sa mga estudyante. Tapos dati hindi ko pa alam na may pambura pala sa dulo yun. May nakatakip lang na plastik kaya bumibili pa ko ng pambura dati. Dati kapag walang magawa sa Classroom paulit ulit lang na tinatanggal ang bala ng Magic Pencil at ibabalik lang ulit. Tapos kapag nawala yung isang bala dahil sa kakalaro. Wala ng kwenta, itatapon na agad dahil walang pampigil kasi hindi na sakto. So ang tendency itatapon or bibili na lang ulit ng bago.

Haay! Nakakamiss gumamit ng Magic Pencil!