Wednesday, 20 April 2016

Batang 90's II

Ito ang pantasya ng bawat kabataan dati. Magkaroon ng “Magic Pencil”. Ganda kasi ng Lapis na to. Kapag naputol. Huhugutin mo lang at ilalagay uli sa dulo ang naputol na “Lead” para matulis ulit. 12 Pesos ang halaga nito dati sa School Supplies. May mga sampung piso din depende sa Design. May mga Hello Kitty, mga Power Rangers at marami pang iba.

Talagang pagandahan pa dati ng Magic Pencil. Yabangan ang uso dati sa mga estudyante. Tapos dati hindi ko pa alam na may pambura pala sa dulo yun. May nakatakip lang na plastik kaya bumibili pa ko ng pambura dati. Dati kapag walang magawa sa Classroom paulit ulit lang na tinatanggal ang bala ng Magic Pencil at ibabalik lang ulit. Tapos kapag nawala yung isang bala dahil sa kakalaro. Wala ng kwenta, itatapon na agad dahil walang pampigil kasi hindi na sakto. So ang tendency itatapon or bibili na lang ulit ng bago.

Haay! Nakakamiss gumamit ng Magic Pencil!

No comments:

Post a Comment