Langka, Sago, Gulaman, Evaporada, Kaong, Red Beans, Leche Flan, Ube at bahala ka na sa iba pa.
Okay. Umpisa na tayo.
Tangna, Yun nga, tutal magaling ka naman sa maramihan. Yan, pagsama samahin mo lahat. Parang dati, lahat ng sahog na kailangan ko sa isang tao iniliagay mo sa puso ko na parang basong walang laman. Binilog mo ako na parang sago, akala ko sing lapot na ng syrup ng langka ang pagsasama natin pero hindi pala hayop ka. Yung matatamis mong salita dati na parang Leche Flan na bukod sa pan display lang ay tumatabang na rin habang tumatagal hayop ka. Tuwing lalapit ako sa ‘yo tinataboy mo ako. Ang hard mo sa ‘kin. Para kang kaong! Tapos ngayon ang puso ko parang Red Beans na hiwa hiwalay dahil sa ginawa mo sa ‘kin. Tapos gulaman, kasi parang ikaw din yan kung paano mo ako kausapin, makulay lang pero wala naman talagang laman. Tapos ang huli mong ilagay YELO AT GATAS!! Para ka kasing YELO! Bukod sa malamig ka na, hindi ka pa sweet. pero wala akong magawa kaya no choice ako.. Crash pa rin kita :”>
No comments:
Post a Comment