Wednesday, 20 April 2016

Batang 90's kaba?

Naaalala ko pa yung araw na kapag may project sa school pupunta pa sa Computer Shop para lang mag rent at gamitin ang Microsoft Word + Alt tab ng Onti sa Friendster + Chat ng Onti sa Yahoo Messenger or mIRC. Tapos nun wala na pahinga na sa bahay at makikipaglaro na sa labas. Kamiss yung ganun no?

Tipong bago mo magawa yung Assignment mo eh bibigyan mo muna ng Testimonial yung kaibigan mo. Kasi nag request siya sayo, dahil daw kapag binigyan mo siya eh bibigyan ka rin niya. Tapos yung testimonial niyo mag uumpisa sa

“ Etong si ” Insert name here" ? Naku! Napakabait na kaibigan niyan! Palaging nanlilibre, tapos maasahan talaga sa oras ng pangangailangan! Napaka down to earth ng taong yan! Chuba chu chu chenes chuva eklabu at kung ano ano pang pambobola na sasabihin sa kaibigan. Kaya nakakatuwa may testi dati. May matching glitters pa nga at Youtube Video eh. Sasabihing para sa kanya yung Lyrics ng kanta". Minsan naman nauubos kakahanap sa Internet o Photobucket o kaya naman sa Glittergraphics para maganda ang itsura. Tapos titignan yung “Who’s Viewed Me”.  Tapos nun Log Out na!

Tapos humahaba pa lalo yung Rent mo dahil napupunta ka sa mga Clan Chatrooms sa Yahoo Messenger dahil kasama ka sa isang Clan. May mga Clan Wars pa nga dun eh, yung sakupan ng mga Clan sa isang Chatrooms. Tapos ang usong laro lang dati sa YM eh yung Billiards. Kamiss no?

Astig lang ng karanasan ng mga 90’s People dati. Haha!

No comments:

Post a Comment