Wednesday, 20 April 2016

Paano Mag Move-on?

May mga yugto tayo sa buhay na masasabi nating napamahal tayo ng sobra. At nagkakataon pang kung kailan tayo nag seryoso ay tsaka tayo gagaguhin, alam ko na ikinukumpara yan eh. Yung tipong kung gano mo siya kamahal. Eh ganun ka din masasaktan. Ang masama lang dito ang ratio is 1:3 sa bawat patak ng pagmamahal na ginagawa mo. Katumbas ng Tatlong sakit na kapalit nito.

Pero hindi bat parte nga ito ng buhay na makakapagpalakas satin. Parte ng buhay natin na matututo tayo. Parte ng buhay na mag mamature. Ang boring siguro ng buhay mo kung hindi mo naranasang umiyak dahil nagmahal ka. Normal yun. Ako nga kalalakeng tao. May araw na hindi ko kinaya. Tinawag ko papa ko at sa kanya ako umiyak e. Parang bata ano? Ikaw ba naman mawalan ng tatlong taong relasyon. Pero tatlong taon na rin akong single ngayon. So 6 years na rin halos ang nagdaan. Kasama ang araw na may relasyon at araw na walang karelasyon.

So paano nga ba mag move on?

Iiyak mo lang - HUMAGULGOL KA!!! OO!! IIYAK MO PA!! SIGE PA!! HINDI NAUUBOS YAN!! Dahil automatic ang luha pag may masakit na nararamdaman na hindi na kaya ng bugso ng damdamin.
 Maglibang (make use of your time) - Ahm enjoyin mo sarili mo! Maglaro ka ng kahit ano. Pumili ka ng hobby. Mga bagay na pag kakaabalahan, Kung babae ka gumawa ka ng scrapbook. Kung lalake ka madami ka pwedeng gawin. Mag basketball, mg volleyball , mg bike , mg airsoft , or mag kulong sa banyo at makipaglaro kay junjun. (biro lang). Marami pwedeng gawin. Sayo mag uumpisa lahat yan. Sa sarili mo. Hindi ka matutulugan ng ibang tao kundi ikaw muna talaga.

No comments:

Post a Comment